Pagsibak kina Agriculture secretary Manny Piñol at NFA administrator Jason Aquino, nasa kamay ni Pangulong Duterte – ayon sa malakanyang

Nasa desisyon ni Pangulong Rodrigo Duterte kung pagbibigyan ang kahilingan ng ilang mambabatas na sibakin sina Agriculture Secretary Manny Piñol at NFA administrator Jason Aquino.

Ito ang sagot ng Malakanyang sa panawagan ni Partylist Representative Lito Atienza dahil sa patuloy na pagtaas ng presyo ng bigas sa bansa.

Ssinabi ni Presidential spokesman Harry Roque na hangga’t hindi sinisibak ng Pangulo sina Piñol at Aquino nananatili ang tiwala ng Chief Executive sa dalawang opisyal.

Ayon kay Roque lahat ng mga Presidential appointees ay naninilbihan batay sa tiwala ng pangulo bilang appointing officer.

Uumaani ngayon ng batikos sina Piñol at Aquino dahil sa kabila ng pagsasabing sapat ang supply ng bigas sa bansa ay nananatiling mataas ang presyo nito sa merkado.

 Ulat ni Vic Somintac

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *