Pagsusumite ng courtesy resignation ng mga Senior police officials suportado ng House Committee on dangerous drugs

Pabor si Surigao del Norte Representative at House Committee on Dangerous Drugs Chairman Robert Ace Barbers sa naging panawagan ni Department of Interior and Local Government o DILG Secretary Benhur Abalos na maghain ng courtesy resignation ang mga police colonels at generals sa layuning linisin ang kanilang hanay laban sa operasyon ng ilegal na droga.

Sinabi ni Barbers sa pamamagitan ng courtesy resignation ng mga senior police officials magkakaroon ng freehand si Secretary Abalos na siyasatin ang record ng mga ito sa pamamagitan ng binuong 5 man panel upang malaman kung sino ang sangkot sa operasyon ng ilegal na droga.

Naniniwala si Barbers na talagang may mga PNP colonels at generals ang sangkot sa illegal drug trade kaya dapat lamang na magpatupad ng internal cleansing sa hanay ng pambansang pulisya.

Inihayag ni Barbers na kasalukuyan ng tinatalakay sa Kamara ang pag- amyenda sa Dangerous Drugs Act upang mapatawan ng mabigat na parusa ang mga opisyal ng pamahalaan na masasangkot sa sindikato ng ilegal na droga.

Vic Somintac

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *