Pagtaas ng COVID- 19 cases sa Pasay City hindi konektado sa UK variant – DOH

Nilinaw ng Department of Health na hindi konektado sa naitalang UK variant case sa Pasay City ang pagtaas ng COVID- 19 infections sa Lungsod.

Ayon kay Health Usec. Ma Rosario Vergeire ay batay narin sa kanilang mga ginawang pg-aaral at panayam sa Pasay City LGU.

Wala aniya silang nakitang link na mag uugnay rito sa pagtaas ng covid 19 cases sa Lungsod.

Sa ngayon ilang lugar sa Lungsod ang isinailalim sa lockdown dahil sa mataas na kaso ng virus infection.

Sa pinakahuling datos ng Pasay City LGU, umabot na sa 7,704 ang kumpirmadong kaso ng COVID- 19 sa Lungsod .

Pero sa bilang na ito, 7,073 na ang nakarekober habang 435 na lamang ang aktibong kaso.

Madz Moratillo

Please follow and like us: