Pagtaas ng presyo ng itlog, asukal at harina nagbibigay pangamba sa mga may ari ng panaderya
ramdam na ng mga bakery owner ang epekto ng pagtaas ng presyo ng mga ingredients sa paggawa ng tinapay.
Ramdam na ng mga bakery owner ang epekto ng pagtaas ng presyo ng mga ingredient sa paggawa ng tinapay.
Sinabi ni Ginoong Wilson Lee Flores may-ari ng makasaysayan at pinakamatandang bakery sa bansa ang kamuning bakery since 1939 na bagamat magtataas ang presyo ng mga sangkap sa paggawa ng tinapay isasaalang-alang parin nila ang kapakanan ng kanilang mga customer.
Ayon kay Flores, patuloy na tumataas ang presyo ng itlog at asukal pero hindi pa naman gaanong tumataas ang halaga ng harina kaya hindi pa nagdaragdag ng presyo ng tinapay partikular ang paborito ng mga pinoy na pandesal.
Inihayag pa ni Flores na ang mga may-ari ng panaderya sa bansa ay maituturing na resilient sa anumang pagsubok lalo na noong kasagsagan ng pandemya.
Nanawagan naman si Flores sa pamahalaan sa pamamagitan ng Department of Science and Technology o DOST na tulungan ang industriya ng panaderya sa pamamagitan ng pagsasagawa ng research upang makahanap ng mga alternatibong lokal na sangkap ng tinapay tulad ng cassava, kalabasa, kamote at iba pang rootcrops upang mapanatili ang kalidad ng tinapay sa bansa.
Vic Somintac