Pagtaas ng unemployment rate sa bansa batay sa SWS survey, ipinagtaka ng DOLE

Nagtataka si Labor Secretary Silvestre Bello III sa naging resulta ng survey ng Social Weather Station (SWS) na nasa 22 percent ang adult joblessness rate sa bansa.

Ayon sa kalihim, bagamat hindi nila sinasabing mali ang survey, taliwas naman ito sa labor force survey na isinasagawa ng Philippine Statistics Authority (PSA).

Magkagayunman, magagamit aniya nila ang survey ng SWS sa mga ginagawa nilang employment policy.

Samantala, sinabi ng kalihim na bilang tulong sa mga Overseas Filipino workers (OFWs) ay inIlunsad kamakailan ng Labor Department ang OFW E-card kapalit ng Idol card.

Ito na aniya ang magsisilbing Overseas Employment Certificate o OEC ng mga OFW at hindi na nila kailangang pumila o magbayad pa ng halos 30 dollars para makapag-apply lamang ng OEC.

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *