Pakistan suicide bomber, nakapatay ng siyam na pulis

Siyam na pulis ang napatay ng isang suicide bomber, habang 16 na iba pa ang nasugatan nang atakihin ang kanilang trak sa southwestern Pakistan.

Sinabi ni senior police official Abdul Hai Aamir, “The suicide bomber was riding a motorbike and hit the truck from behind.”

Nangyari ang insidente sa Dhadar, ang pangunahing bayan sa Kachhi district, may 120 kilometro (75 milya) sa timog-silangan ng Quetta sa Balochistan.

Ayon kay Mehmood Notezai, police chief ng Kachhi district, ang mga biktima ay pabalik na mula sa isang linggong cattle show kung saan sila nagbigay ng seguridad.

Ang mga pwersang panseguridad ay isang taon nang nakikipaglaban sa insurhensiya ng mga militanteng Baloch, na humihiling ng anila’y mas patas na bahagi ng yaman ng lalawigan, at nakikipaglaban din sa mga pag-atake ng Pakistani Taliban.

© Agence France-Presse

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *