PAL inabisuhan ang mga pasahero na agahan ang pagtungo sa paliparan dahil sa SONA road closures

Pinayuhan ng Philippine Airlines (PAL) ang mga pasahero nito na may flight ngayong araw na agahan ang pag-alis sa kanilang mga tahanan.

Ito ay bunsod ng traffic rerouting at road closures na ipinapatupad kaugnay sa SONA ni Pangulong Bongbong Marcos Jr.

Ayon sa PAL, maaaring makaapekto ang rerouting ng trapiko sa Quezon City sa mga daan patungo sa NAIA terminals.

Kaugnay nito, inilabas ng PAL ang ilang alternatibong ruta para sa mga motorista upang makaiwas sa mabigat na trapiko sa Commonwealth Avenue.

Moira Encina

Please follow and like us: