Palasyo, idineklarang walang pasok ang Agosto 20 sa Lucena City

IdIneklara ng Malacañang na non-working day sa lungsod ng Lucena ang Agosto 20 bilang paggunita sa 61st Charter Day Anniversary nito.

Sa Proclamation #34 na inisyu noong August 8 na pirmado ni Executive Secretary Victor Rodriguez, nakasaad na binibigyan ng pagkakataon ang mga mamamayan sa lungsod na makiisa sa selebrasyon at iba pang mga aktibidad sa lungsod.

Samantala, mahigpit pa rin naman ang paalala sa pagsunod sa health protocol dahil pa rin sa COVID-19.

Ang Lucena City ay naging chartered city noong June 17, 1961 sa bisa ng Republic Act No. 3271.

Subalit ang lokal na pamahalaan ay nagdiriwang tuwing August 20, bilang pag-alaala na rin sa pormal na inagurasyon nito bilang lungsod noong August 20, 1962.

Ang Lucena City ngayon ay nasa klasipikasyong Highly Urbanized City.

Allan Llaneta

Please follow and like us: