Palawan 3rd district Congressman Edward Hagedorn pumanaw na

Pumanaw na si Palawan 3rd District Congressman Edward Hagedorn sa edad na 76 dahil sa sakit na cancer.

Ito ang kinumpirma ng tanggapan ni Hagedorn sa mababang kapulungan ng Kongreso.

Si Hagedorn ay matagal na naging Mayor ng Puerto Princesa City mula 1992 hanggang 2001 at muling naupo bilang Mayor mula 2002 hanggang 2013 kung saan isinulong ang kanyang environmental advocacy.

Naupong Congressman si Hagedorn noong June 30, 2022 hanggang sa kanyang pagpanaw ngayong October 3, 2023.

Si Hagedorn ang Chairman ng House Committee on West Philippine Sea ngayong 19th Congress.

Nagpaabot na ng pakikiramay ang liderato ng Kamara sa mga naulila ni Congressman Hagedorn.

Vic Somintac

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *