Palawan itinanghal na “Most Desirable Island” ng isang travel magazine sa UK

Nanalo ang Palawan bilang “Most Desirable Island” sa 21st Wanderlust Travel Awards.

Ayon sa Department of Tourism (DOT), ang gawad ay ibinigay ng UK travel magazine na Wanderlust.

Ang nasabing magasin ang isa sa longest-running publications sa UK at nasa forefront ng sustainable travel.

Nasa ika-anim na puwesto naman ang Department of Tourism-Central Visayas Office mula sa daan-daang special entries sa Wanderlust Sustainability Initiative Category para sa Dive7 Program nito.

Nominated din ang Cebu sa Most Desirable Region (Rest of the World).

Sinabi ni Tourism Secretary Christina Frasco na sumasalamin ang mga nasabing gawad sa mga pagsisikap ng Marcos Administration na buhayin muli ang industriya ng turismo.

Tiniyak ng kalihim na patuloy ang DOT sa kanilang misyon na itanyag ang Pilipinas at ang Filipino brand sa buong mundo at panatilihin ang sustainability ng mga isla ng bansa.

Moira Encina

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *