Paluan, Occidental Mindoro, niyanig ng magkasunod na lindol

Niyanig ng dalawang magkasunod na lindol ang bayan ng Paluan, Occidental Mindoro.

Unang naramdaman ang magnitude 3.5 na lindol, alas 12:22 ng madaling-araw.

Naitala ang lindol sa 31 kilometro South ng Paluan na may lalim lamang na 4 kilometers.

Samantala, alas-3:10 naman ng madaling-araw tumama ang magnitude 3.2 na lindol sa bayan pa din ng Paluan.

Ayon sa Philippine Volcanology and Seismology o Phivolcs, hindi naman inaasahang magdudulot ng pinsala ang dalawang lindol.

 

===  end  ===

 

 

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *