Pambansang kamao Manny Pacquiao dismayado sa resulta ng laban nila ni Horn

Aminado si Senador Manny Pacquiao na nabahiran ang reputasyon ng boxing sa naging resulta ng kanilang laban ni Jeff Horn.

Sinabi ni Pacquiao na nadismaya siya sa mga opisyal, referee at sa mga judge.

Dagdag pa ng pambansang kamao, ang ilang beses na pagsakal sa kaniya ni Horn ay dapat nakakuha na ng atensyon ng referee at dapat ay nabawasan na ng puntos si Horn.

Mayroon ding dapat ibawas sa puntos ni Horn sa dalawang beses na accidental headbutt kung susundin ang professional rules ng boxing.

Sa kabila nito, sinabi ni Pacquiao na wala na siyang balak iapela ang resulta ng laban.

Kapwa naman sila bukas ni Horn sa posibleng rematch.

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *