Pamilya ni Ruben Taguba at iba pang pinangalanan sa smuggling ng shabu ipinapasailalim sa lifestyle check

Inirekomenda ng Senado sa National Bureau of Investigation at Bureau of Internal Revenue na magsagawa ng lifestyle check sa mga personalidad na napangalanan sa smuggling ng shabu sa Bureau of Customs

Isa sa tinukoy ni Gordon ang tatay ng broker/fixer na ni Mark Ruben Taguba na si Ruben  Taguba na hindi nakasipot sa pagdinig dahil kasalukuyan umanong nasa ospital dahil sa hypertension.’

Ayon kay Gordon, Bukod sa pag-aaring resort at hotel, may cockpit arena ang pamilya Taguba habang sa Australia nag-aral ang kaniyang mga anak.

Kwestyonable aniya kung saan kinukuha ni Taguba ang pinag-papaaral sa mga anak gayong isa lamang itong pulis sa Customs.

May impormasyon din si Gordon na nagkalat ang pera ng pamilya Taguba sa ibat-ibang bangko sa buong mundo.

Ulat ni: Mean Corvera

 

 

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *