Pang. Duterte hinamon ni Sen. Trillanes na ilabas ang mga katibayan ng umano’y pag- extort niya ng pera sa mga negosyante
Binuweltahan ni Senador Antonio Trillanes si Pangulong Rodrigo Duterte matapos siyang akusahang nanghingi ng pera sa mga malalaking negosyante.
Tinawag pa ni Trillanes na pathological liar ang Pangulo dahil sa aniya’y pag-iimbento ng kasinungalingan.
Hamon ni Trillanes sa Pangulo, kung totoo ang kaniyang mga alegasyon, dapat maglabas ito ng ebidensya at kasuhan siya sa korte.
“Kasi ako, nilabas ko ang mga specific details, documents, mga testigo at kinasuhan ko siya para suportahan ang mga alegasyon ko laban sa kanya, Pero nagtatago siya hangang ngayon. Kaya tama na ang pambobola, buksan mo na ung mga bank accounts mo”. –Sen. Trillanes
Giit ni Trillanes, handa niyang harapin ang anumang kaso tulad ng ginawa niyang pagharap at paglalantad ng mga umanoy katiwalian at kapalpakan ng Pangulo.
Dagdag pa ni Trillanes, dapat itigil na ng Pangulo ang pambobola sa publiko at buksan na nito ang kaniyang mga itinatagong kayamanan sa kaniyang bank accounts.
Ulat ni: Mean Corvera