Pang. Duterte nagtalaga na ng OIC sa DILG

Naglagay na ng Officer in Charge o OIC si Pangulong Duterte sa Department of Interior and Local Government o DILG.

Hinirang ng Pangulo si DILG Undersecretary Catalino Cuy para maging OIC.

Sinabi ni Presidential Spokesman Ernesto Abella na maninilbihan si Undersecretary Cuy bilang OIC hanggang sa makapagtalaga ang Pangulo ng permanenting DILG secretary.

Ayon kay Abella nais ng Pangulo na hindi maapektuhan ang seribsyo ng gobyerno sa DILG kaya inilagay si Undersecretary Cuy na OIC matapos masibak sa puwesto si DILG Secretary Mike Sueńo dahil sa isyu ng korapsyon.

Ulat ni: Vic Somintac

Please follow and like us: