Pang. Duterte nanguna sa 2017 “most influential” people online voting ng TIME magazine

Nanguna si Pangulong Rodrigo Duterte sa katatapos na online voting ng TIME magazine sa kung sino ang dapat mapasama sa kanilang 2017 “most influential” people sa mundo.

Batay sa inilabas na resulta ng TIME, nakakuha ng  5 percent sa kabuuang “yes” votes si Pang. Duterte na sinundan nina Canadian Prime Minister Justin Trudeau, Pope Francis, Microsoft co-founder Bill Gates at Facebook founder Mark Zuckerberg na pare-parehong nakakuha ng 3 percent.

Ang official TIME 100 list na pipiliin ng mga magazine editors ay ilalabas sa darating na April 20.

Aminado ang TIME na malaking bagay sa nakuhang boto ni Pangulong Duterte ang kontrobersyal nitong kampanya laban sa iligal na droga sa Pilipinas.

 

Please follow and like us: