Pang-labindalawang kaso kaugnay sa Dengvaxia controversy, inihain ng PAO sa DOJ

Nadagdagan pa ang mga reklamong kriminal na inihain sa DOJ laban sa mga dati at kasalukuyang opisyal ng DOH at Aquino government kaugnay sa kontrobersya ng Dengvaxia.

Ayon kay Public Attorneys Office Chief Persida Acosta, ito na ang pang-labing-dalawang batch ng kaso ng Dengvaxia na isinampa nila sa DOJ.

Anya kaugnay ito sa pagkamatay ng onse anyos na si John Paul Rafael mula sa Bagac, Bataan noong Abril 2016.

Ayon sa tyahin ng biktima na si Christina Ramirez, labing-isang araw matapos mabakunahan ang kanyang pamangkin ay namatay na ito.

Tinurukan anya si John Paul ng Dengvaxia kahit nilalagnat ito.

Pinainom lang anya ito ng paracetamol at hindi man lang idinaan sa iba pang mga pagsusuri gaya ng blood test o xray bago ito turukan.

Kabilang sa kinasuhan ng PAO si dating Health Secretary Janette Garin at ang mga opisyal ng Sanofi Pasteur

Mga paglabag sa Anti-Torture law, reckless imprudence resulting in homicide at RA 7394 o Consumer Protection Act ang ikinaso laban sa mga respondents.

 

Ulat ni Moira Encina

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *