Pangasinan group at political machinery na umano’y nakinabang sa pondo ng MRT-3, papangalanan ng Malakanyang kung nakumpleto na ang documentary evidence

Handang pangalanan ng Malakanyang ang tinaguriang Pangasinan group at Political Machinery na umanoy nakinabang sa pondo ng MRT – 3.

Sinabi ni Presidential Spokesman Harry Roque na kinokumpleto pa ang documentary evidence batay sa pagbubulgar ng dalawang whistle blower na nakakaalam kung papaano pinaghatian ng mga dating opisyal ng Aquino administration ang pondo para sa maintenance ng MRT 3.

Ayon kay Roque alam ng mga nasasangkot na dating opisyal ng Department of Transportation  kung sino-sino ang bumubuo ng Pangasinan group at kung anong political machinery ang kanyang tinutukoy.

Inihayag ni Roque batay sa salaysay ng mga whistle blower one third lamang ng inilaang pondo ang totoong napunta sa maintenance ng MRT 3 kaya nagkalokoloko ang operasyon ng naturang mass transport system na nagdulot ng matinding kalbaryo ng mga pasahero.

 

Ulat ni Vic Somintac

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *