Pangulong Duterte, aminadong nagkamali sa pagtaya sa lawak at lalim ng problema sa illegal na droga

Aminado si Pangulong Rodrigo Duterte na nagkamali siya sa pagtaya kaugnay sa lawak at lalim ng problema sa iligal na droga.

Sinabi ni Pangulong Duterte na nagkamali siya sa pagbibigay ng deadline para tapusin ang iligal na droga sa bansa.

Aniya, posibleng hindi pa matatapos ang problema sa droga hanggang matapos ang kanyang termino sa 2022.

Inihayag pa ng Pangulo na Davao City lang ang kanyang “template” o pinagbatayan at hindi inakalang maraming taga-gobyerno ang sangkot sa illegal drugs operation kasama na ang Bureau of Customs.

Kaya ikinagulat niya nang maupo siya sa pagkapangulo at makita ang lahat ng intelligence information hinggil sa illegal drugs problem.

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *