Pangulong Duterte, hindi sinipot ang pagdiriwang ng National Heroes Day sa Libingan ng mga Bayani

Hindi sinipot ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pagdiriwang ng National Heroes sa Libingan ng mga Bayani sa Fort Bonifacio Taguig City.

Sinabi ni dating Special Assistant to the President at Senador Bong Go na masama ang pakiramdam ni Pangulong Duterte kaya hindi nito kayang daluhan ang paggunita sa araw ng mga Bayani.

Ayon kay Senador Go natural lamang sa isang taong may edad na sumama ang pakiramdam dahil sa dami ng trabaho. Inihayag ni Senador Go na tuloy ang biyahe ni Pangulong Duterte sa katapusan ng buwan dahil wala namang malalang sakit ang Chief Executive.

Itinalaga naman ni Pangulong Duterte si House Speaker Allan Peter Cayetano bilang kinatawan na magbibigay ng mensahe sa Araw ng mga Bayani.

Ulat ni Vic Somintac

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published.