Pangulong Duterte, ihahayag sa tamang panahon ang susuportahang presidential candidate sa 2022 election

Hindi pa masabi ng Malakanyang kung sino ang iiendorso ni Pangulong Rodrigo Duterte na Presidential candidate sa halalan sa susunod na taon matapos pormal na mag-withdraw sa Presidential race si Senador Bong Go.

Sinabi ni Presidential Spokesman Secretary Karlo Alexi Nograles na hintayin na lamang ang magiging pahayag ng Pangulo dahil pag-uusapan ito sa loob ng ruling party PDP Laban.

Ayon kay Nograles, tiyak na i-aanunsiyo ng Pangulo ang kanyang mamanukin sa halalang pampanguluhan sa May 9 2022 elections sa tamang panahon.

Inihayag ni Nograles sa ngayon ay nakatutok muna si Pangulong Duterte sa governance upang makabangon ang bansa sa epekto ng pandemya ng COVID-19 kaya isa ito sa dahilan kaya umatras narin ang Chief Executive sa senatorial race.

Vic Somintac

Please follow and like us: