Pangulong Duterte inaming nagkaroon ng failure of intelligence ang gobyerno sa Marawi City Crisis

Tahasang inamin ni Pangulong Rodrigo Duterte na nagkaroon ng failure of intelligence ang gobyerno kaya naging malala ang problema sa Marawi City.

Sinabi ng Pangulo na hindi niya sinisisi ang mga Maranao kundi iyon lamang mga nakipag-kutsabaan sa mga teroristang Maute group.

Ayon sa Pangulo talagang nasorpresa ang militar na nakapag-imbak ng armas ang mga terorista kaya parang hindi sila nauubusan ng bala.

Inihayag ng Pangulo na parang pattern sa Vietnam war ang giyera sa Marawi City dahil napag-planuhan ng mga terorista kung papaano makapaglalagay ng matibay na depensa ang Maute group.

Ang Marawi City crisis ay mahigit ng dalawang buwan na nakikipaglaban ang tropa ng pamahalaan sa mga teroristang Maute group para mapalaya ang lungsod.

Ulat ni: Vic Somintac

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *