Pangulong Duterte ipinaubaya sa publiko ang pagbibigay ng grado sa performance niya bilang Pangulo sa loob ng isang taon

Ipinauubaya ni Pangulong Rodrigo Duterte sa taong bayan na magbigay ng grado pasado o bagsak ang kanyang performance sa loob ng isang taong panunungkulan.

Ngayong araw na ito ay eksaktong isang taon na sa panunungkulan si Pangulong Duterte.

Ayon sa Pangulo, bahala ang taongbayan na magsabi kung pasado siya o bagsak sa pagtupad ng kanyang tungkulin bilang Presidente ng bansa.

Inihayag ng Pangulo na sa loob ng isang taon ay ginawa niya ang kanyang sinumpaang tungkulin na protektahan ang sambayanang Pilipino mula sa salot na ilegal na droga.

Nangako ang Pangulo na sa loob ng limang taong natitira sa kanyang termino ay lalabanan ang kriminalidad sa bansa at kurapsyon sa pamahalaan.

Ulat ni: Vic Somintac

 

 

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *