Pangulong Duterte magpapaliwanag sa Vietnam kaugnay ng pamumugot ng Abu Sayaff sa dalawang Vietnamese

Problemado ngayon si Pangulong Rodrigo Duterte kung papaano ipapaliwanag sa Vietnamese government ang ginawang pamumugot ng bandidong Abu Sayaff sa dalawang Vietnamese na kanilang bihag.

Sinabi ng Pangulo na kailangan niyang magpaliwanag sa Vietnamese government sa malagim na sinapit ng kanilang kababayan sa kamay ng Abu Sayaff.

Ayon sa Pangulo kabaligtaran ito noong nagtungo siya sa Vietnam na pinasalamatan siya ng Vietnamese government dahi pinalaya noon ang mga mangingisdang Vietnamese na nahuli ng Philippine Coast Guard na pinabaunan pa ng pagkain at gasolina.

Inihayag ng Pangulo malaking problema ang nilikha ng Abu Sayaff lalo pa at mayroon pang apat na Vietnamese na hawak pang bihag.

Kaugnay nito nangako ang Pangulo na hindi lulubayan ng tropa ng pamahalaan ang mga bandidong Abu Sayaff para matigil na ang karahasang kanilang inihahasik sa Mindanao.

Ulat ni: Vic Somintac

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *