Pangulong Duterte, marami pang sisibakin sa pwesto bago ang SONA

Posibleng marami pa ang masibak sa puwesto sa gobyerno bago ang ikalawang State of the Nation Address ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Una rito, tinukoy ng Pangulo na may tatanggalin siya sa susunod na mga araw dahil sa umano’y iligal na pagtanggap ng pera.

Tinukoy pa ng Pangulo na kumikita ang nasabing opisyal ng milyun-milyong piso kada-pirma.

Para sa Chief Executive, ito ang rason kaya hindi umaasenso ang bansa dahil halos puro magnanakaw ang mga nasa gobyerno.

Nagbanta pa ang Pangulo na hindi siya magdadalawang-isip na sibakin kahit ang mga nasa lower position kahit mahigit 20 taon na ang mga ito sa serbisyo.

 

 

 

 

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *