Pangulong Duterte, may bagong format sa SONA sa Hulyo – Malacañang

May  bago umanong format na gagamitin si Pangulong Rodrigo Duterte sa kanyang State of the Nation address o SONA sa Hulyo.

Ayon kay Presidential spokesman Harry Roque, lilimitahan na ni Pangulong Duterte ang kanyang SONA sa mga gustong sabihin sa taumbayan.

Sinabi ni Roque na nais ni Pangulong Duterte na magbigay ng ulat kaugnay sa mga usaping malapit sa kanyang puso.

Partikular na ang kanyang kampanya laban sa korapsyon.

Inihayag ng kalihim na isasantabi muna ng Pangulo ang pagbibida sa kanyang mga achievements o mga nagawa sa pamahalaan.

 

==============

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *