Pangulong Duterte, may nag-iisang order kay bagong DOJ Secretary Menardo Guevarra

Binigyan ni Pangulong Rodrigo Duterte ng nag-iisang kautusan si bagong talagang Department of Justice Secretary Menardo Guevarra.

Sinabi ni Justice Secretary Guevarra na inatasan siya ng Pangulo na gawin kung ano ang tama at naaayon sa batas.

Ayon kay Guevarra ginawa ng Pangulo ang marching order matapos siyang makapanumpa sa kanyang bagong tungkulin matapos tanggapin ng Presidente ang pagbibitiw ni dating Justice Secretary Vitaliano Aguirre.

Inihayag naman ni Presidential Legal Chief Secretary Salvador Panelo na naramdaman na ni Secretary Aguirre ang pagkawala ng tiwala ng Pangulo sa kanya kaya kusa na itong nagbitiw sa kanyang tungkulin.

Sinasabing ang pagkadismaya ng Pangulo sa dimissal order ng DOJ prosecutors sa kaso ng mga kilalang drug lord na sina Kerwin Espinosa, Peter Lim at Peter Go ang isa sa sahilan ng pagkawala ng tiwala ng Pangulo sa dating kalihim ng DOJ.

 

Ulat ni Vic Somintac

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *