Pangulong Duterte muling umapela sa mga fully vaccinated kontra COVID-19 na magpabooster shot na

Nanawagan muli si Pangulong Rodrigo Duterte sa mga fully vaccinated kontra COVID-19 na magpaturok na ng booster shot.

Sa kanyang Talk to the People sinabi ng Pangulo na pakinggan si Health Secretary Francisco Duque III na nagsasabing magbibigay ng dagdag na proteksiyon ang booster shot kontra COVID-19.

Ayon sa Pangulo hindi dapat katakutan ang anti COVID-19 vaccine kasama ang booster shot dahil ito ay ligtas batay sa pag- aaral ng mga health experts.

Inihayag ng Pangulo sa pamamagitan lamang ng anti COVID- 19 vaccine mapapalakas ang immune system upang hindi mamatay sa corona virus.

Vic Somintac

Please follow and like us: