PNP, may lead na sa sabong kidnappings

May hawak nang lead ang PNP CIDG kaugnay ng isinasagawang imbestigasyon sa pagkawala ng 29 na sabongero sa Batangas,Laguna at Maynila.

Pero kay CIDG Director Police Major General Albert Ferro, hindi muna nila ilalabas ang detalye nito upang hindi masunog ang ginagawa nilang imbestigasyon.

Nais din daw ng CIDG na makasiguro na matibay ang mga hawak nilang ebidensya upang masampahan ng kaso ang mga dawit sa insidente.

Aminado naman ang CIDG na medyo nahihirapan at natatagalan sila sa pag-usad ng imbestigayson dahil sa kawalan ng corpus delicti, o body of crime.

Hindi raw kasi nila matukoy kung patay na o buhay pa ang mga nawawalang sabongero kaya mahalaga aniya na makakuha sila ng testigo na magbibigay linaw sa puno’t dulo ng insidente.

Nakikipag-ugnayan na rin ang CIDG sa kampo ng Gaming tycoon na si Charlie Atong Ang para makatulong sa imbestigasyon.

Ayon sa CIDG,ang anggulo ng tiyope o game fixing pa rin ang pangunahing sinisilip ng mga otoridad sa kaso.

Mar Gabriel

Please follow and like us: