Pangulong Duterte , nagtalaga na ng bagong Comelec Chairman at 2 Commissioner

Naglagay na si Pangulong Rodrigo Duterte ng bagong Chairman ng Commission on Elections o COMELEC at dalawang Commissioner.

Itinalaga ng Pangulo si Saidamin Pangarungan bilang bagong COMELEC Chairman kapalit ni dating Chairman Sheriff Abas na nagretiro noong February 2, 2022.

Inilagay din ng Pangulo sina Aimee Neri at George Garcia bilang mga bagong COMELEC commissioner kapalit nina dating commissioner Rowena Guanzon at Antonio Kho Jr. na nagretiro din kasabay ni Abas.

Inihayag ni Presidential Communications at Acting Presidential Spokesman Secretary Martin Andanar na mahalaga ang papel na gagampanan ng COMELEC sa pangangasiwa ng halalan sa Mayo ng taong kasalukuyan.

Vic Somintac

Please follow and like us: