Pangulong Duterte nais alisin sa Philippine Public Safety College ang training ng mga Pulis

 

Gusto ni Pangulong Rodrigo Duterte na alisin sa pangangasiwa ng Philippine Public Safety College o PPSC ang training ng mga papasok sa Philippine National Police o PNP.

Sinabi ng Pangulo may nakikita siyang mali sa sistema ng police training sa ilalim ng PPSC.

Ayon sa Pangulo gusto niyang ibalik mismo sa pnp ang training ng mga magpupulis.

Inihayag ng Pangulo na sa tinagal -tagal ng PPSC na nagsasanay ng mga magiging pulis marami parin sa mga ito ang nasasangkot sa maling gawain.

Aminado ang Pangulo na malaki ang problema sa attitude ng mga pulis kaya nawawala ang tiwala ng taumbayan sa kapulisan.

 

Ulat ni Vic Somintac

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *