Pangulong Duterte naka-impake na ng mga gamit para sa pag-alis sa Malakanyang sa June 30

Naka-impake na ang mga gamit ni Pangulong Rodrigo Duterte na ginamit niya sa Malakanyang at sa Bahay Pagbabago sa Presidential Security Group o PSG Compound na naging tirahan niya sa loob ng anim na taon.

Sinabi ni Presidential Spokesman Secretary Martin Andanar na inaasahang babalik ang Pangulo sa kanyang bahay sa Davao City sa sandaling bumaba na siya sa puwesto at pormal na maisalin ang poder ng pamahalaan kay President Elect Ferdinand Bongbong Marcos Jr.

Ayon kay Andanar habang hinihintay ang pagtatapos ng kanyang termino ay patuloy na ginagampanan ng Pangulo ang kanyang tungkulin sa pamamalakad sa pamahalaan.

Inihayag ni Andanar nais ng Pangulo na mailipat ng maayos at mapayapa ang pamumuno ng gobyerno kay incoming President Bongbong Marcos.

Vic Somintac

Please follow and like us: