Pangulong Duterte nakipagkita sa mga magulang ni Carl Angelo Arnaiz sa Malakanyang

Hinarap ni Pangulong Duterte ang mga magulang ni Carl Angelo Arnaiz  na napaslang din ng mga pulis Caloocan matapos umanong mangholdap ng taxi driver.

Ang pulong ay naganap sa Malago Clubhouse sa Malacañang Park.

Kasama ng mga magulang ni Carl Angelo na si Carlito at Eva Arnaiz na nakipagkita sa Pangulo sina Justice Secretary Vitaliano Aguirre at PAO Chief Atty. Persida Acosta.

Ayon kay Aguirre, ipinangako ni Duterte sa mga magulang ng binatilyo ang isang patas na imbestigasyon sa pagkamatay ng kanilang anak.

Isinailalim na sa Witness Protection Program ng DOJ ang mag-asawa.

Kasong murder ang planong ihain ng PAO laban sa mga pulis na dawit sa pagpatay kay Carl Angelo.

Ulat ni: Moira Encina

 

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *