Pangulong Duterte nalulungkot sa pagkakadawit ng pangalan ng kanyang anak na si Davao City Vice Mayor Paolo Duterte sa BOC scandal

Nalulungkot si Pangulong Rodrigo Duterte sa pagkakadawit ng pangalan ng kanyang anak na si Davao City Vice Mayor Paolo Duterte sa iskandalo ng suhulan sa Bureau of Customs  na may kaugnayan sa pagpupuslit ng ilegal na droga galing  China.

Sinabi ng Pangulo na nakakalungkot isipin na pati ang kanyang anak ay nakakaladkad sa kontrobersiya sa BOC.

Ayon sa Pangulo inuulit niya ang kanyang pahayag na kapag napatunayan na sangkot sa kurapsyon o katiwalian ang kanyang anak ay agad siyang magbibitiw sa kanyang tungkulin.

Ang pangalan ni Vice Mayor Paolo ay inilutang ng broker na si Mark Taguba sa imbestigasyon ng Kongreso na ginagamit ng ilang tauhan ng BOC na ginagamit na taga-kolekta ng tara o suhol sa Adwana.

Ulat ni: Vic Somintac

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *