Pangulong Duterte nangako sa pamilya ng mga namatay na sundalo at pulis sa Marawi City na uubusin ang lahat ng teroristang Maute group

Tiniyak ni Pangulong Rodrigo Duterte sa pamilya ng mga sundalo at pulis na namatay sa Marawi City na uubusin niya ang lahat ng mga teroristang Maute group.

Sinabi ng Pangulo sa kanyang pakikipagpulong sa mga naulila ng mga sundalo at pulis sa Malakanyang na hindi siya makikinig sa anomang pakiusap na lubayan ang military operations sa Marawi City.

Ayon sa Pangulo marami ng sundalo at pulis kasama ang mga sibilyan ang namatay sa mahigit dalawang buwan ng digmaan sa Marawi City.

Inihayag ng Pangulo na huwag mainip at matatapos din ang krisis sa Marawi City.

Niliwanag ng Pangulo kaya nagtatagal ang liberation ng Marawi City dahil isinasaalang-alang ang buhay ng mga sibilyang bihag na hawak ng mga teroristang Maute group.

 

 

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *