Pangulong Duterte pumunta sa battle ground sa Marawi City

Mismong battle area ang pinuntahan ni Pangulong Rodrigo Duterte sa kanyang ikalawang ginawang pagbisita sa mga sundalo sa lunsod ng Marawi.

Sa Mindanao Hour Briefing sa Malakanyang sinabi ni AFP Spokesman Brigadier General Restituto Padilla hindi lang nagkasya ang Commander in Chief na kausapin ang tropa ng pamahalaang patuloy na nakikipag-laban sa grupo ng Maute -ISIS group.

Ayon kay Padilla iginiit ng Pangulo na silipin ang lugar kung saan nagaganap ang bakbakan kasama ang mga front liners ng militar.

Inihayag ni Padilla,  inspiring at very appreciative  ang naturang aksiyon ng Pangulo na hayagang nagpapakita ng suporta sa puwersa ng pamahalaan.

Ulat ni: Vic Somintac

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *