Pangulong Duterte regular na tumatanggap ng update sa galaw ng Bagyong Maring ayon sa Malakanyang

Regular na tumatanggap ng update si Pangulong Duterte hinggil sa pananalasa ng Bagyong Maring.

Sinabi ni Presidential Communications Secretary Martin Andanar na pinapadalhan ng briefer ang Pangulo mula sa National Disaster Risk Reduction Management Council o NDRRMC at PAGASA Department of Science and Technology.

Ayon kay Andanar nakaposisyon na ang mga  tauhan ng NDRRMC at DSWD katulong ang mga lokal na pamahalaan para sa relief at rescue operations na direktang tinamaan ng Bagyong Maring.

Pinayuhan din ng Malakanyang ang mga residente sa lugar na dadaanan ng Bagyong Maring palabas ng Philippine Area of Responsibility na manatiling alerto at sumunod sa mga advisories mula sa kinauukulang ahensiya ng pamahalaan.

Ulat ni: Vic Somintac

 

 

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *