Pangulong Duterte simple lang ang wish sa kanyang ika-72 taong kaarawan

Nais ni Pangulong Duterte na pagkalooban pa siya ng panahon at lakas para resolbahin ang problema ng bansa.

Ito ang simpleng wish ng Pangulo sa kanyang ika-72 taong kaarawan ng kapanganakan.

Ayon sa Pangulo hindi na siya naghahangad ng ibang bagay dahil nakamit na niya ito at narating na niya ang pinakamataas na posisyon sa gobyerno.

Inihayag ng Pangulo na nais niyang maisaayos ang bansa kung loloobin ng Diyos na matapos niya ang kanyang anim na taong termino at maintindihan siya ng taongbayan sa kanyang ginagawa.

Ang Pangulo ay nasa Davao at doon magdiriwang ng kanyang kaarawan at simpleng salu-salo lamang sa kanyang pamilya at malapit na kaibigan.

Ulat ni: Vic Somintac

Please follow and like us: