Pangulong Duterte, sinaksihan ang pagwasak sa mga mamahaling sasakyan sa BOC

Sinaksihan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pagwasak sa 20 smuggled na mga mamahaling sasakyan sa tanggapan ng Buerau of Customs o BOC sa lunsod ng Maynila kahapon.

Ilan sa mga winasak ay ang mga kotseng Lexus, Audi, Jaguar, Mercedes, BMW at Corvette Stingray na nagkakahalaga ng mahigit 61 bilyong piso.

Sa kaniyang talumpati sa 116 anibersaryo ng BOC, sinabi nito na hindi niya hahayaang lumaganap pa ang smuggling sa Pilipinas sa ilalim ng kaniyang administrasyon.

Kasunod nito, idinepensa rin ng Pangulo ang mga taga-Aduana at sinabing hindi kurap o tiwali ang karamihan sa mga kawani nito.

 

=== end ===

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *