Pangulong Duterte, sinunod ang proseso sa pagkuha ng License to Process to own Firearms

Bilang ehemplo sa pagsunod sa batas,  kumuha ng Clearance si Pangulong Rodrigo Duterte sa National Bureau of Investigation(NBI) para sa renewal ng kanyang lisensya sa baril.

Kinumpirma ito ni Special Assistant to the President Christopher Lawrence Bong Go upang makakuha ang pangulo ng License To Own and Possess FireArm (LTOPF).

Ayon kay Go, nagcomply lamang ang Pangulong Duterte sa requirements para sa renewal kabilang na ang drug test at Neuro na pawang naipasa naman ng punong ehekutibo.

Dagdag ni Go,  nauna na siyang magrenew ng kanyang LTOPF bago pa man ito tuluyang mapaso ngayong taon.

Ang pangulong Duterte at SAP Go ay kapwa mga responsableng Gun owners ng Davao City. Si pangulong duterte ay nagmamay-ari ng super 38 habang si Go naman ay 9mm caliber Pistol.

 

Ulat ni Vic Somintac

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *