Pangulong Duterte, tiniyak sa mga magulang ni Kian delos Santos na walang magiging cover up sa kaso nito

Walang mangyayaring “cover-up” o takipan sa imbestigasyon sa pagkakapatay ng ni Kian de los Santos  sa Caloocan drug operation.

Ito ang tiniyak mismo ni Pangulong Rodrigo Duterte sa mga magulang ni Kian delos Santos sa kanilang pagkikita sa Palasyo.

Sinabi ng Pangulo na hindi niya pagtatakpan ang anumang pag-abuso dahil hindi ito trabaho ng presidente ng bansa.

Ayon pa kay Pangulong Duterte, makakaasa ang mga magulang ni Kian na walang makikialam sa kaso at tanging piskal at korte lamang ang mangangasiwa rito.

Magugunitang kamakailan ay paulit-ulit ang pahayag ng Pangulo na malinaw ang kanyang utos sa mga pulis na ipatupad ang kanilang tungkulin sang-ayon sa umiiral na rules of engagement at huwag papatay ng walang kalaban-laban.

 

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *