Panibagong batch ng PDLs lumaya ngayong araw mula iba’t ibang piitan ng BuCor

Kabuuang 146 persons deprived of liberty (PDLs) ang sabay-sabay na lumaya ngayong Biyernes, October 27 sa iba’t ibang kulungan ng Bureau of Corrections (BuCor).

Sa tala naman ng BuCor mula August 25 hanggang October 27, umabot sa 949 preso ang lumaya mula sa New Bilibid Prison at sa lahat ng mga penal farm ng kawanihan.

Pinakamarami sa mga nakalaya sa nasabing mga petsa ay mula sa Maximum Security Compound ng Bilibid na 234.

Pinangunahan ni Justice Secretary Crispin Remulla ang culminating activity na isinagawa sa BuCor sa Muntinlupa City.

Sinabi ng kalihim na palagi niyang pina-follow up sa Malacañang ang mga inirekomenda para magawaran ng executive clemency.

Ayon sa Board of Pardons and Parole, mahigit 1,000 preso na ang inirekomenda nila na mabigyan ng clemency ng pangulo.

Moira Encina

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *