Business at Tourist VISA interview, kanselado hanggang Aug. 31

Kinansela ng Embahada ng Amerika sa Pilipinas ang lahat ng naka-schedule na business at tourist visa interview hanggang sa Agosto 31, 2021.

Ito ay kaugnay pa rin ng patuloy na banta ng Covid-19 Pandemic sa daigdig.

Ayon sa US Embassy, walang karagdagang babayaran ang mga apektado na magpapa-re-schedule  ng interview appointments at pinalawig ang bisa ng visa fee payment o mas kilala sa tawag na MRV fee hanggang sa September  30, 2022 .

Pinayuhan naman ng embahada ang mga visa applicant na patuloy na magmonitor sa kanilang website para malaman kung kailan magpapatuloy ang kanilang visa services.

Please follow and like us: