Panukalang Comprehensive Tax Reform Program ipinagtanggol ng Malakanyang

Iginiit ng Malakanyang na pakikinabangan ng mga mahihirap na mamamayan ang isinusulong na Comprehensive Tax Reform Program o CTRP.

Sinabi ni Finance Secretary Carlos Dominguez na bagaman mayroong pagtaas sa excise tax ng mga petroleum products mababalanse naman ito ng tax exemption sa personal income tax ng mga minimum wage earner.

Ayon kay Secretary Dominguez ang CTRP ay magpapalakas din sa business industry maging sa infrastructure program ng administrasyon ng buil build build project.

Umaasa si Dominguez na sa pagbabalik ng session ng Kongreso ay makakalusot na rin ito sa Senado matapos pagtibayin ng Mababang Kapulungan ng Kongreso.

Ulat ni: Vic Somintac

 

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *