Panukalang gawing libre ang dialysis sa Philhealth members, isinusulong sa Senado

Nais ni Senador Christopher Bong Go na malibre na sa dialysis treatment ang lahat ng miyembro ng Philippine Health Insurance Corporation.

Sa kaniyang panukalang free Dialysis Act, sinabi ni Go na dapat mabigyan ng libreng comprehensive dialysis treatment ang lahat ng mangangailangang miyembro ng Philhealth.

Ayon sa Senador na siyang Chairman ng Senate Committee on Health, ngayong tumaas ang buwanang kontribusyon ng mga miyembro, dapat ring itaas ang benepisyo ng mga ito.

Bukod sa libreng comprehensive dialysis, isinusulong ng Senador na malibre na ang annual medical check up ng lahat ng mga Pilipino.

Kasama na rito ang screening, laboratory, diagnostic test at consultation fee.

Layon nitong maagapan ang pagkakasakit ng mamamayan na dapat aniyang palakasin ang healthcare system ng bansa lalo na sa mga liblib na komunidad.

Meanne Corvera

Please follow and like us: