Panukalang tapusin na ang Illegal Labor contractualization, pasado na sa Senado

0
Senate-of-the-Philippines

Pasado na sa Senado ang panukalang wakasan ang Illegal Labor Contractualization sa bansa.

Labinlimang (15) Senador ang pumabor sa Senate Bill 1826 o Security of Tenure Bill na inakda at inisponsor ni Senador Joel Villanueva.

Sa panukala, papayagan lang ang Labor only contracting kung ang mga Job contractor ay konektado sa pagsusuplay, pagre-recruit ng mga manggagawa.

Sa inaprubahang batas ayon kay Villanueva magkakaroon na ng securiry of tenure ang mga manggagawa.

Iginiit ng Senador na ang Right to Protection of Tenure o seguridad para sa mga mangagawa ay ginagarantyahan ng Saligang Batas.

Sa susunod na linggo isasalang na sa Bicameral Conference Committee ang inaprubahang panukala para maihabol bago mag-Sine Die adjournment sa June 7.

Ulat ni Meanne Corvera

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *