Panunumpa at roll signing ng 2023 Bar Exams passers, itinakda sa December 22

Photo Courtesy: SC PIO

Nagtakda na ang Korte Suprema ng petsa ng panunumpa at roll signing ng mga pumasa sa 2023 Bar Examinations.

Ayon sa Supreme Court Public Information Office, isasagawa sa parehong araw sa December 22 ang oath taking at paglagda sa roll of attorneys ng mga bagong abogado.

Gaganapin ito sa SMX Convention Center sa Pasay City.

Gayunman, wala pang petsa na ibinigay ang Korte Suprema kung kailan ilalabas ang resulta ng 2023 Bar Exams na isinagawa noong Setyembre 17, 20, at 24.

Mahigit 10, 380 examinees ang nakatapos ng pagsusulit na idinaos sa 14 na local testing centers.

Moira Encina

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *