Paradahan ng Baliwag transit at Golden Bee bus line sa North Edsa southbound, ipinasara na ng QC government

Ipinasara ng lokal na pamahalaan ng Quezon City ang parking garage ng Baliwag Transit at Golden Bee bus line sa bahagi ng North Edsa Southbound kaninang umaga.

Mismong si Mayor Joy Belmonte at MMDA General Manager Jojo Garcia ang nanguna sa pagpapaskil ng closure order sa parking garage.

Ayon kay Belmonte, peke ang mga dokumento na isinumite ng Baliwag transit kaya ito nakakuha ng busines permit noong January 2019.

Dahil dito agad na pinakansela ng alkalde ang permit ng nasabing parking garage.

Pero ayon kay MMDA Gen.Manager Jojo Garcia, hindi lang ito ang violation ng Baliwag.

Imbes kasi na gawing parking lang ang lote ay ginawa umano nila itong terminal kung saan sila nagbaba ng pasahero at duon naman nag-aabang ang mga UV Express para pumikap ng pasahero na naggiging sanhi ng traffic sa bahaging iyon ng Edsa.

Dahil dito ipinabubusisi na rin ng MMDA sa mga lokal na pamahalaan ang permit ng iba pang bus terminal sa kahabaan ng Edsa na posibleng may kaparehong modus.

Ulat ni Mar Gabriel

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *