Pasig Ferry walang biyahe ngayong araw

download
courtesy of wikipedia.org

Wala munang biyahe ang Pasig Ferry ngayong araw.

Ayon sa Metropolitan Manila Development Authority sarado muna ang lahat ng istasyon ng Pasig Ferry dahil sa maraming water hyacinth at mga basurang naglutangan sa ilog.

Dahil sa naturang sitwasyon inihayag ng MMDA na mahihirapan ang ferry na bumiyahe sa ganitong sitwasyon.

Inihayag pa ng ahensya na magpapalabas na lamang sila ng abiso kung kailan muling magre-resume ng biyahe ang Pasig Ferry.

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *