Pasok sa ilang korte sa bansa, suspendido dahil sa bagyo

Nag-anunsisyo ng suspensyon sa trabaho ngayong Setyembre 8 ang ilang hukuman sa bansa dahil sa bagyong Jolina.

Sa abiso ng Supreme Court Public Information Office, walang pasok ang lahat ng korte sa Lipa City, Batangas.

Kanselado rin ang pasok sa lahat ng hukuman sa Pinamalayan, Oriental Mindoro.

Ang Batangas at Pinamalayan, Oriental Mindoro ay kasama sa mga lugar na nasa ilalim ng typhoon signal number 2 batay sa pinakahuling weather bulletin ng PAGASA.

Moira Encina

Please follow and like us: